Naniniwala si MMDA Special Operations Group Strike Force head Gabriel Go na dapat ay maging 'consistent' ang gobyerno pagdating sa pagpapatupad ng batas.
Ayon kasi kay Go ay tila nasasanay na lamang ang mga nahuhuling lumalabag sa batas trapiko sa paghingi ng tawad.
Kung hindi umano kaya ng mga motorista na sumunod sa simpleng batas trapiko ay posibleng lumabag din sila sa mga mas malalang panuntunan.
Matatandaang humaharap ngayon sa kontrobersya si Go matapos nitong sitahin ang isang pulis na lumabag umano sa batas trapiko.
Ipapatawag naman ng MMDA si Go upang magpaliwanag.
0 Comments