Naniniwala si 1-Rider party-list Rep. Bonifacio Bosita na dapat ay magsilbing aral sa lahat ng motorista ang nangyaring road rage sa Antipolo nitong Marso 30.
Ayon kay Bosita ay dapat laging maging mahinahon ang mga motorista pagdating sa pagharap sa mga away trapiko.
Apat ang sugatan matapos magpakawala ng mga bala ang negosyanteng suspek na si alyas Kenneth, 28 na nagmamaneho ng isang SUV.
Nakilala ang mga biktima na sina Peter, 52, isang negosyante; Patrick, 22, isang college student; Davis, 29, at ang asawa ng suspek na natamaan din ng bala.
Patong-patong na reklamo ang kakaharapin ni Kenneth at maaring tumanda na ito sa likod ng mga rehas ng selda.
0 Comments