Wala umanong nakikita na dahilan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na ideklara na bumalik na ang tanim bala sa mga paliparan sa Pilipinas.
Iginiit niya na hindi umano nangyayari ang tanim bala sa mga paliparan sa ating bansa.
Matatandaang isa sa mga halimbawa na ibinigay ni Dizon ay ang umano'y bala na nakita sa loob ng lata ng isang pasahero.
Ayon sa pasahero ay may lumapit umano sa kanya para isabay sa bagahe niya ang isang de lata na mayroon palang lamang bala.
Tila sinasabi din ni Dizon na mas mabuting dito nahuhuli sa Pilipinas ang mga nagpupuslit ng bala dahil mas matindi umano ang kakaharapin nilang kaso sa ibang bansa.
“Assuming, meron kayong mailusot, mas mabigat po kapag kayo’y nahuli sa abroad. Nakita nyo po yung mga penalty—kulong, milyong pisong multa,” wika niya.
0 Comments