WALANG EPEKTO? Palasyo Hindi Nababahala at Sinabing Hindi LAHAT NG OFW AY SASALI SA REMITTANCE BOYCOTT NA Gagawin!


Malakas ang paniniwala ng palasyo na hindi lahat ng Overseas Filipino Workers (OFW) ay sasali sa remittance boycott na ikinasa ng ilang grupo abroad.

Ayon kay Usec. Claire Castro, dapat ay hindi magpapaniwala ang publiko lalo na ang mga OFW sa mga kumakalat na maling balita.

Hindi rin naman umano pipigilan ng gobyerno ang mga OFW na gustong hindi muna magpadala sa kanilang mga pamilya.

"Choice po kasi ng OFW kung sila ay magpapadala ng kanilang remittance o hindi. Wala po tayong hahadlangan kung anuman ang kagustuhan nila. Pero muli tayo ay mananawagan sa mga OFWs, ang gobyerno po ay hindi ninyo po kalaban, kami po ay kakampi," wika niya.


Post a Comment

0 Comments