TINATAKOT NA! ENRILE, MAY BABALA SA MGA OFW NA SASALI AT HINDI MAGPAPADALA NG REMITTANCE SA PILIPINAS!


Usap-usapan ang Facebook post ng dating senate president at Chief Presidential Legal Counsel ng administrasyon na si Juan Ponce Enrile, patungkol sa napababalitang pagsasagawa ng protestang "OFW Zero Remittance Week" ng mga OFW, partikular sa Europa.

Ito ay para ipakita ang kanilang pag-alma sa naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity.

Nagpaalala si Juan Ponce Enrile sa mga OFW na naghahanda sa kanilang remittance boycott sa gitna ng pagsusuko ng gobyerno kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Enrile ay posibleng bawiin ang mga benepisyo na natatanggap ng mga OFW sa Pilipinas kasama na dito ang hindi nila pagbabayad ng buwis, airport fees.


Ipinaalala rin ni Enrile na maaring bawiin ng gobyerno ang mga passport ng mga nasabing OFW na sasali sa boycott dahil sa ang pasaporte ay isa lamang pribilehiyo.


Post a Comment

0 Comments