SUMAGOT NA! GRETCHEN HO Matapang na Sumagot sa mga NAG-AAKUSA sa kanilang Media na Bias Umano!


Tila may patama ang mamamahayag na si Gretchen Ho sa mga tumatawag sa kanilang 'bias' sa social media.

Sa kanyang post, itinama ni Gretchen ang mga netizens at sinabi na ang tamang term sa mga mamamahayag na may pinapanigan ay 'biased' at hindi 'bias.'

Matatandaang isa si Gretchen sa mga mamamahayag na ipinadala sa The Netherlands para i-cover ang pagpapadala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC.

Maliban kay Gretchen ay nasa Netherlands din si Mariz Umali na isa rin sa mga pinag-iinitan ng mga netizens.

Hindi naman nakaiwas si Gretchen sa mga akusasyon na umano'y mayroon silang pinapanigan sa kanilang mga ibinabalita.

Sey pa ng mga ito ay mas pinagkakatiwalaan pa nila ang mga independent vlogger at OFW (overseas Filipino worker) kesa sa legit media sa paghahatid ng mga balita.

‘Kaloka.

Pero kailan nga lamang ay walang maipakitang ebidensya ang mga vlogger sa Congress hearing tungkol sa pagkakalat ng fake news.

Sana nga magtanda na ang mga fake news peddler na mga vlogger na pinagkakakitaan pa ang pagkakalat ng maling impormasyon.


Post a Comment

0 Comments