FIAyon kay Atty. Maria Taule, abogado ng rights group na Karapatan ay dalawa umano ang anak ni Aling Sheila na nasawi sa EJK.
Matatandaang nag-trending sa social media si Aling Sheila dahil sa hawak niyang larawan ng kanyang anak na pumanaw noong 2024.
Ayon kay Taule ay ang hawak niyang larawan sa post ay ang anak niya na nasawi sa EJK na nangyari noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Mayroon din umanong anak si Aling Sheila na nasawi naman noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinondena naman ni Atty. Taule ang ginawa ng mga netizens kay Aling Sheila.
Samantala ay naniniwala naman sila na 'well-funded' ang mga nambabatikos sa mga biktima katulad ni Aling Sheila.
0 Comments