Iniulat ng Manila Times ang diumano'y pag-uusap sa gitna ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas at Liberal Party para sa posibleng sanib-pwersa nila ngayong darating na halalan.
Ayon sa ulat ay kinikonsidera umano ng Alyansa na kunin si Francis "Kiko" Pangilinan at Paolo "Bam" Aquino IV bilang kapalit nina Sen. Imee Marcos at Camille Villar.
Matatandaang kumakalat sa social media ang umano'y pagkalas ni Villar sa Alyansa, habang kinumpirma na ni Marcos ang kanyang pag-alis sa partido ng administrasyon.
Samantala ay itinanggi naman ng Alyansa sa isang ulat ng Daily Tribune na mayroong pag-uusap sa pagitan ng dalawang partido.
0 Comments