Ngayon pa lamang ay binibilang na ni Patrolman Francis Fontillas ang kanyang makukubra kung sakaling manalo siya sa mga isasampang reklamo niya laban sa GMA, ABS-CBN, PTV, at TV5.
Ayon kasi sa kanya ay nag-post ng mapanirang balita tungkol sa kanya ang mga nasabing network kaya naman karapatan niya na magsampa ng reklamo.
Kung mananalo umano ay makakakuha siya ng P1.5-M kada network.
Hindi naman umano niya makakalimutan magbalato sa kanyang mga tagasuporta.
Matatandaang si Fontillas ang pulis na nag-viral sa social media dahil sa kanyang mga maanghang na post laban kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at sa matataas na opisyal ng PNP.
0 Comments