Mariing itinanggi ng Chinese Foreign Ministry ang ulat mula sa GMA News tungkol sa diumano'y paghiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng asylum sa China.
Ayon sa ulat ng GMA News ay nanggaling ang impormasyon sa kanilang pinagkakatiwalaang source.
Ngunit mismong ang Foreign Ministry na ng China ang nagsabi na wala silang natanggap na kahit anong aplikasyon ng asylum mula kay Duterte o sa pamilya nito.
Nagbigay naman ng paalala ang nasabing ahensya na huwag basta-basta magpapaniwala ang media sa mga nagpapakilalang sources.
"We hope members of the media can be cautious about the so-called 'information from sources,' whether unfounded or ill-motivated, and not easily believe what they hear," ani Chinese Foreign Ministry Spokesperson Guo Jiakun
0 Comments